Monday, 19 June 2017

Ang Mga Hayop ay Mahalin at Huwag Abusuhin



Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao . Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa paghahanap-buhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan.

Ang mga hayop kagaya ng aso at pusa ang madalas na ginagawa nating alaga sa bahay. Malaki ang naiaambag nilang tulong sa buhay nating mga tao, ang aso ang ginagawang bantay sa bahay at ginagamit ng pulis sa pagtukoy ng bomba sa pamamagitan ng matalas nitong pang amoy. Habang ang pusa naman ay nakakatulong sa pagpatay ng mga peste sa loob ng bahay. May mga hayop rin na pinagkukunan natin ng pagkain kagaya ng itlog galing sa manok, karne galing sa baboy, baka, kambing at maraming pang iba.

Karapatan ng mga hayop na mahalin at alagaan. Karapatan nilang mabuhay, pakainin, linisan at bigyan ng kaukulang pansin dahil sila ay gawa rin ng ating Poong Maykapal katulad nating mga tao. Marami sa atin ang itinuturing na bahagi ng pamilya ang mga ito ngunit sa kasamaang palad marami din sa atin ang nilalabag ang kanilang karapatan.

Ang batas na tinatawag na Republic Act No. 8485 na mas kilala bilang Animal Welfare Act ay nagsusulong na pangalagaan ang kapakanan ng mga hayop. Ang batas na ito ay naglalayong maparusahan ang mga taong lalabag sa karapatan ng mga hayop. Ang mga taong nagmamahal sa mga hayop ay maigting na isinusulong at sinusuportahan ang batas na ito. Sa kabila ng malawak na pangongompanya na pangalagaan ang mga hayop dito sa Pilipinas, may mga tao pa ring binabalewala ang adbokasiyang ito, mga taong walang awang tomu"torture" at pumapatay ng mga aso, pusa, ibon at iba pa upang gawing pulutan o gusto lamang silang paglaruan. Pinahihirapan, pinagmamalupitan at inaabuso, halimbawa na lamang diyan ay ang alagang kalabaw na ginagawang katulong ng magsasaka sa pag-aararo ng lupa sa bukid na halos buong araw na pinagtatrabaho sa ilalim ng mainit na panahon.

Di porket hindi sila marunong magsalita at magreklamo ay ibig sabihin hindi na sila nasasaktan. Katulad nating mga tao nakakaramdam din sila ng pagod, hirap at sakit. Pareho lang tayo ng mundong ginagalawan ang gusto lamang nila ay malasakit at respeto nating mga tao maski na sila ay mga hayop. Bigyan natin sila ng halaga o importansya dahil isipin niyo na lang kung wala ang mga hayop kung patuloy natin silang aabusuhin, saan na tayo kukuha ng isa sa pangunahing pinagkukunan natin pagkain? sino na ang tutulong sa magsasaka sa pagsasaka ng mga pananim sa bukid? sino na ang tatahol, poprotekta sayo laban sa mga masasamang loob at ang papatay sa mga peste sa loob ng inyong bahay? 

Mga kaibigan, ito lamang ay paalala na huwag nating abusuhin ang karapatan ng hayop tignan niyo na lang ang malaking papel na ginagampanan nila sa ating buhay.Tratuhin natin sila ng wasto at ng may pagmamahal na parang isang pamily ng sanggayon ay magkaroon tayo ng maunlad at maayos na pamumuhay.

20 comments:

  1. ramdam ko po ang ang sinabi mo tungkol sa mga hayop, maawain po ako sa aso or sa pusa bor sa kahit na anong hayop, lalo na pagnakikita ko sinaktan parang ramdam ko rin ang sakit at sobra aq naaawa

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. paano po kung ang hayop ay namatay dahil sa kapabayaan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. https://www.xvideos2.com/video31229303/wala_kayo_sa_lolo_ko_hehe

      Delete
    2. Ito ay hindi makakain ng maayos at magandang kalusugan at mahihirapan sa pagkain Niya sa araw-araw. at mamatay sa subrang wala nang nag-aalaga at walang tubig makakain din sa kanyang hapagkainan.

      Delete
  4. Tama dapat nating mahalin at alagaan ng wasto ang mga hayop gaya ng ASO PUSA AT KALABAW AT MARAMI PANG IBA hindi dahil sa pinagkukunan natin sila ng pagkain kundi may pakiramdam din sila kagaya nating mga tao..... Alam nyo ba na mas may puso at mas mabait ang mga ASO PUSA AT KALABAW AT MARAMI PANG IBA kesa sa mga taong walang pusong sinasaktan at minamaltrato sila😢😢😢😢😢.....kawawa naman sila.....😢😢😢😢😢kaya dapat natin silang alagaan at mahalin

    ReplyDelete

  5. wondershare-pdfelement-pro-crackcan be a rather lovely and well-known PC software for everybody who buys documents of this variety and can not be educated on PDF files' limitations.
    new crack

    ReplyDelete
  6. anvsoft syncios manager pro crack This article is so innovative and well constructed I got lot of information from this post. Keep writing related to the topics on your site.

    ReplyDelete
  7. Well said💖 btw future vet. Here muah muah 💋

    ReplyDelete
  8. Thanks for this post, I really found this very helpful. And blog about best time to post on cuber law is very useful. cleanmypc-crack

    ReplyDelete
  9. Such a nice and helpful piece of information. I’m so happy that you shared this helpful information with us. Please keep us up to date like this. Thanks for sharing.
    becky-internet-mail-free-download

    ReplyDelete
  10. Thanks for sharing such great information, I highly appreciate your hard-working skills which are quite beneficial for me. photopia-director-crack

    ReplyDelete
  11. microsoft office professional plus 2010 activation key generator The clients get 100% unique Microsoft permit that can be actuated straightforwardly on the authority Microsoft site. Besides, it offers a lifetime permit which demonstrates that it doesn't offer a membership administration and doesn't expect one to recharge it time for an expense.

    ReplyDelete
  12. Harrah's Resort Atlantic City - Mapyro
    Hotels with public garages and garages · Hampton 순천 출장안마 Inn & Suites by Wyndham Atlantic City · Harrah's Resort Atlantic 오산 출장샵 City · 평택 출장안마 Harrah's 공주 출장마사지 Resort 제주도 출장샵 Atlantic

    ReplyDelete
  13. That was a really well-written post. It's a pleasure to learn from you. Maintain a high level of activity.
    https://hdlicense.net/retail-man-pos-crack-download/

    ReplyDelete